Saturday, 16 February 2013

Ano ang Nobela? (c) Answers.com




Ano ang Nobela?
Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Mga Katangian ng isang Nobela.
1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
6. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
7. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. malinis at maayos ang pagkakasulat
9. maganda
10. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Pagkakaiba ng Nobela at Maikling Kwento.
Ang maikling kwento, di tulad ng nobela'y hindi kahbaan, higit na kakaunti ang mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit na matitipid sa paggamit nang mga pananalita.
mas mahaba ang nobela kesa sa maikling kwento at mas maraming pangyayari at tauhan dito sa maikling kwento naman madalas sa isang tauhan lamang nakapokus ang mga pangyayari
NOBELA
-binubuo ng kabanata
-maraming tauhan
-hindi kaya ng isang-upuan (hindi natatapos ng isang araw lamang)
-maraming tagpuan
-maraming eksena

MAIKLING KWENTO
-hanggang 3-5 na tauhan, minsan nama'y isa lang
-kaya ng isang-upuan (puwede matapos ng ilang minuto)
-iisa ang tagpuan
Pagkakatulad ng Nobela sa Maikling Kwento.
Pareho silang may kwento. Para silang naglalahad ng kakaibang piksyon. Pareho rin silang may mga tauhan at may storya. Meron rin silang Kaisipan, Suliranin, Paksang diwa at iba pa

No comments:

Post a Comment